Bagong Tanggapan ng Agrikultura, Pinasinayaan!

Pormal na binuksan ni Mayor Niña Jose-Quiambao at binasbasan ang bagong opisina ng Municipal Agriculture Office (MAO) ngayong ika-15 ng Oktubre.

Ang bagong tanggapan ay ang dating kinalalagyan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ang expansion ng opisina ay magbibigay ng mas mahusay at accessible na serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda ng Bayambang.

Inaasahang mas mapapalakas ang mga sumusunod na programa ng MAO sa bagong tanggapan:

Pagsasanay sa Makabagong Pagsasaka: Mga libreng seminar at workshop tungkol sa modernong teknolohiya sa pagsasaka.

Pamamahagi ng Binhi at Pataba: Pagbibigay ng de-kalidad na binhi at pataba sa mga rehistradong magsasaka.

Tulong Pinansyal: Pagpapadali ng pag-access sa mga pautang para sa mga proyektong pang-agrikultura.

Pagpapalakas ng Kooperatiba: Pagtulong sa pagbuo at pagpapalakas ng mga kooperatiba ng mga magsasaka.

Paghahanap ng Merkado: Pagkonekta ng mga magsasaka sa mga mamimili at negosyante.

Sa pagbubukas ng bagong tanggapan ng MAO, isang bagong kabanata ang binuksan para sa pagsulong ng agrikultura sa Bayambang. Kaya naman umaasa ang pamahalaang lokal na mas magiging matagumpay at masagana ang sektor ng agrikultura sa bayan. (VMF/RSO; MLO)