Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, pormal nang binuksan at pinasinayaan ngayong Mayo 11, 2026 ang bagong Social Annex Building A (Bougainvillea Building) sa Brgy. Magsaysay sa ilalim ng pangangasiwa ng MSWDO.
Ayon kay MNJQ, layunin ng bagong pasilidad na magkaroon ng mas maayos, mas malawak, at mas accessible na lugar para sa paghahatid ng mga programa at serbisyong panlipunan, partikular para sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan ng agarang tulong, intervention, at assistance mula sa pamahalaan.
Sa nasabing gusali magtatagpuan ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Local Youth Development Office (LYDO), at ang Dance Studio para sa mga programang pangkalahatan.
Sa programa, nagdaos ng isang blessing ceremony bilang pagbabasbas sa bagong gusali at sa mga serbisyong ihahatid nito sa komunidad.
Pinangunahan naman ng alkalde ang ribbon cutting ceremony bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng pasilidad.
Nagkaroon rin ng presentation of facilities kung saan ipinakita ang iba’t ibang bahagi ng annex building at ang mga serbisyong maaaring maisagawa rito.
Inaasaang mas mailalapit ang mga serbisyong panlipunan sa mga Bayambangueño at matiyak na ang mas episyente at mas organisadong pag-aasikaso sa mga nangangailangan ng tulong. (WMC/RSO; RobC, AG)







