Pormal nang ipinakilala si Hon. John Roy S. Jalac bilang bagong SK Federation President ng Bayambang pagkatapos ng flag ceremony ngayong araw, ika-23 ng Hunyo 2025, sa Balon Bayambang Events Center.
Sa pamumuno ni Hon. Jalac, inaasahang mas paiigtingin pa ang mga proyekto at aktibidad na tutugon sa pangangailangan at kinabukasan ng kabataan sa bayan ng Bayambang.(KB/RSO; AG)