Bagong Service Patrol Vehicle, Ibinigay sa Brgy. Tampog

Isang bagong patrol service vehicle ang idinonate ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa Brgy. Tampog sa pamamagitan ng Niña Cares Foundation at Agricultural Infrastructure Leasing Corporation (AILC), sa simpleng seremonyang ginanap noong November 11, 2024 sa Balon Bayambang Events Center.

Ang patrol service vehicle ay magsisilbing kagamitan ng barangay upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at maiwasan ang anumang krimen o kaguluhan.

Witness sa turnover ang buong LGU, sa pangunguna ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga department heads sa ilalim ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.

Malugod namang tinanggap ng mga opisyales ng Brgy. Tampog ang service vehicle sa pangunguna ni Punong Barangay Zaldy Flores. (Vernaliza M.Ferrer/RSO; larawan ni Ace Gloria, Rob Cayabyab)