Inihalal si Joyce De Guerto ng Barangay Mangayao bilang ikalimang pangulo ng Balon Bayambang LGBTQI Association matapos isagawa ang eleksyon noong August 10, 2025 ng mga miyembro ng LGBTQI.
Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, pangungunahan ni De Guerto ang adhikaing itaguyod ang karapatan at pagkilala sa LGBTQI community sa Bayambang.
Samantala, ang dating pangulo ng samahan na si Sammy Lomboy ay hinirang namang Head of Adviser, na magiging gabay sa mga istratehiya at programa ng grupo habang magpapatuloy din sa kanyang tungkulin bilang Pangulo ng LGBT Pangasinan hanggang Disyembre 31, 2026.
Nagpasalamat ang buong LGBTQI Association sa suporta ng lokal na pamahalaan, partikular kay Mayor Niña, na tinaguriang “matibay na sandigan” sa pagtahak ng samahan sa mga programa gaya ng libreng edukasyon, health services, at livelihood training para sa miyembro.
“Hindi namin makakamit ang mga tagumpay na ito nang walang pagmamahal at pagtitiwala ng LGU,” dagdag ng grupo sa isang pahayag. Inaasahang magbubunsod ng mas malawakang proyekto ang samahan sa ilalim ng bagong liderato. (VMF/RSO; SL)





