Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month Celebration, itinanghal at kinoronahan sina Alpheus Andrew Asher Q. Gavino ng Inirangan (Child Development Center) CDC bilang Mr. Pre-Kindergarten 2025 at Arianne Samantha G. De Vera ng Wawa CDC bilang Ms. Pre-Kindergarten 2025 sa makulay at engrandeng Coronation Ceremony noong Nobyembre 18, sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Ang programa, na may temang “OSAEC–CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban,” ay nagbigay-diin sa patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan at karapatan ng mga kabataang Bayambangueño.
Bilang Guest of Honor and Speaker, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Municipal Mayor Niña Jose-Quiambao, kung saan kanyang pinahalagahan ang papel ng mga magulang, teachers, at child development workers sa paghubog ng kabataan tungo sa isang ligtas at protektadong kinabukasan.
Nagpaabot din ng suporta sina Municipal Vice-Mayor Ian Camille C. Sabangan at Councilor Jocelyn Espejo, Chairwoman of the Committee on Women, Children, Elderly, Family Relations, Indigents, PWDs, and Social Services.
Bilang bahagi ng koronasyon, itinanghal sina Jayden Alcantara ng Pangdel CDC at Krisha Mae Mones ng Batangcaoa CDC bilang Mr. and Ms. Charity. Nakamit naman nina Axel Khiezer F. Bugarin ng Tanolong CDC at Jhoerizza R. Aviles ng Sanlibo CDC ang titulong Mr. and Ms. Hope, habang sina Mark Leonard Junio ng San Gabriel 1st CDC at Reina Mae Gavino ng Pangdel CDC ang nagwagi bilang Mr. and Ms. Peace. Pinarangalan din sina Juffer King Monje ng Municipal CDC at Zia Cortezano ng Bacnono CDC bilang Mr. and Ms. Prosperity.
Para sa Pre-Kindergarten Royal Court 2025, itinanghal sina Elmer Joseph Gamit ng San Gabriel 1st CDC at Shekinah Ruth Sabangan ng Hermoza CDC bilang 5th Prince and Princess. Nasungkit naman nina Raymart Catibog ng Bacnono CDC at Gabriella Ada Mendoza ng Maigpa CDC ang titulong 4th Prince and Princess, habang sina John Nathan Bugarin ng Sanlibo CDC at Cali Zeirene Bustarde ng Balaybuaya CDC ang kinoronahang 3rd Prince and Princess. Itinanghal din sina Ndrei Eli Fernando ng Mangayao CDC at Princess Luz-Armine Garcia ng Idong CDC bilang 2nd Prince and Princess, at sina Caleb Cipriani Cando ng Buenlag 1st CDC at Scarlet Yvaine Guab ng Zone V CDC bilang 1st Prince and Princess.
Bago ang koronasyon ng mga bagong hari at reyna, nagbigay-pugay din sina Jovanne Ian B. Bombiza at Caruella Antheia P. Buquir, King and Queen 2024, sa kanilang farewell walk.
Sa kabuuan, ang Mr. and Ms. Pre-K 2025 Coronation Ceremony ay muling nagpatunay sa dedikasyon ng pamahalaang bayan ng Bayambang na protektahan ang karapatan ng mga bata, isulong ang kanilang talento, at hikayatin ang kanilang kumpiyansa bilang pag-asa ng bayan.(RGDS/RSO; AG)
















