Pormal na ipinakilala ni PNP-Bayambang Chief, PLtCol. Rommel Bagsic, kina Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, ang bagong Pangasinan Provincial Director ng pulisya na si PCol Rollyfer J. Capoquian, noong October 10, 2024, sa Mayor’s Office.
Naroon din si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, upang iwelcome si PCol. Capoquian.
Ang naturang pagbisita ay nagbukas ng daan sa ibayong pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng bagong itinalagang Provincial Director at ng pamunuan ng bayan ng Bayambang. (Patrick Salas, VMF/RSO; AG, Rob Cayabyab)