Noong Oktubre 21, nagkaroon ng simpleng turnover ceremony ang PNP-Bayambang Municipal Station kung saan ipinakilala ni outgoing PNP-Bayambang Chief PLtCol. Rommel Bagsic ang bagong magsisilbing hepe ng pulisya na si PLtCol. Lawrence Keith Calub na tubong Baguio City.
Isang mainit na pagtanggap ang sumalubong sa kaniya mula sa buong LGU-Bayambang family. Nangako naman ito na mas paiigtingin pa ang pagpapatupad ng batas at pagdisiplina para sa mas maayos at mapayapang pamayanan.
Lubos naman ang naging pasasalamat ni PltCol Bagsic sa pakikiisa ng bawat Bayambangueño sa kanyang termino upang mapangalagaan ang seguridad at masugpo ang kriminalidad sa bayan.
VMF/Shin G.; Rob Cayabyab