Bagong Pamunuan ng MAFC, Inihalal Kasabay ng Buwanang Pulong ng mga Magsasaka

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa sektor ng agrikultura at pagsusulong ng mas maayos na koordinasyon sa mga samahan ng mga magsasaka, matagumpay na isinagawa ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang halalan para sa mga bagong pinuno ng Municipal Agriculture and Fishery Council (MAFC) kasabay ng buwanang pulong ng mga Pangulo ng Farmers’ Associations ng Bayambang ngayong araw, Agosto 5, 2026, sa Pavilion I, Saint Vincent Ferrer Prayer Park, Brgy. Bani.

Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, nanguna sa aktibidad si MAO OIC, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad.

Kabilang sa mga pangunahing paksang tinalakay ang Hybrid at Inbred Rice Planting Updates para sa Wet Season 2026, Farmers and Fisherfolk Organizations Registry Information System (FFORIS), Registration of Farm Machineries, Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS), corporate farming ng mais, mga update ukol sa pagtatanim ng tabako, at iba pang mga usaping may kaugnayan sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Bayambang.

Narito ang naging resulta ng halalan:

Chairperson: MR. MANUEL M. CHUA

Vice-Chairperson: MS. RESIE CASTILLO

Secretary: MS. JUANITA SUMAYA

Treasurer: MS. SUSAN DE LEON

Auditor: MR. RODOLFO NATIVIDAD

Press Relation Officer (PRO): MR. BONIFACIO GARCIA

Sectoral Committee Chairpersons:

Committee on Rice: Mr. Rodel Bato

Committee on Poultry, Livestock: Mr. Mark Andrew Palisoc

Committee on Corn: Mr. Edwin De Vera

Committee on High Value Crops: Ms. Joy Gabriel

Committee on Organic Agriculture: Mr. Marlon Malong

Committee on Fisheries: Mr. Jesus Lavarias

Committee on Price Monitoring: Mr. Rogelio Cayabyab

(JLT/RSO; JMB)