Bagong Pamunuan ng Bayambang PWD Federation, Pormal nang Nailuklok

Pormal nang nailuklok ang mga bagong halal na opisyal ng Bayambang Persons With Disabilities (PWD) Federation sa isinagawang pagpupulong noong Mayo 14, 2026 sa Balon Bayambang Events Center sa Bayambang, Pangasinan, sa pag-oorganisa ni Persons with Disability Affairs Officer Johnson R. Abalos.

Pinangunahan ni Efren Estabaya ng Cadre Site ang bagong hanay ng mga opisyal bilang pangulo ng pederasyon, katuwang si Lance Irvin Garay ng Zone III bilang bise presidente. Nahalal naman sina Ronnel Maniling ng Amancosiling Sur bilang kalihim, Rolando Todio ng Darawey bilang treasurer, at Geronimo Villaruel ng Banaban bilang sub-treasurer.

Itinalaga ring mga auditor sina Nilda Manalang ng Ambayat 1st at Gigi Agudo ng Carungay upang tumulong sa pangangasiwa at pagpapatatag ng organisasyon.

Samantala, nahalal din ang mga district leaders na magsisilbing kinatawan ng bawat distrito ng pederasyon. Kabilang dito sina Rosenda Buison ng San Vicente para sa District 1, Samuel Mendoza ng Manambong Norte para sa District 2, Jerry Nanali ng Telbang para sa District 3, at Cathelyn Delos Santos ng Hermoza para sa District 4.

Nahalal din sina Marivic Castañeda ng Sanlibo bilang District 5 leader, Lizelda De Vera ng Langiran para sa District 6, Elizabeth Datuin ng Tamaro para sa District 7, Consuelo De Vera ng Tambac para sa District 8, at Alicia Macmod ng Zone II para sa District 9.

Layunin ng bagong pamunuan na higit pang palakasin ang pagkakaisa at pagsusulong ng kapakanan ng mga persons with disabilities sa bayan ng Bayambang sa pamamagitan ng mas aktibong partisipasyon at mga programang inklusibo para sa sektor. (RSO; JRA)