Pormal na itinalaga si EnP Ryan James Nicholai L. Dizon bilang bagong Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) ng lokal na pamahalaan ngayong araw, May 4, 2026, sa Balon Bayambang Events Center.
Si EnP Dizon ay isang lisensyadong environmental planner na mayroong higit isang dekadang karanasan sa pagpaplano at dating Director ng Urban Planning sa Palafox Associates.
Bilang pinuno ng Municipal Planning and Development Office, pangungunahan ni G. Dizon ang pagbabalangkas, pagpapatupad, at pagsubaybay sa mga plano at programang pangkaunlaran ng bayan. Kabilang sa kanyang mga tungkulin ang pagtiyak na ang mga proyekto ng pamahalaan ay naaayon sa pangkalahatang layunin ng pangmatagalan at inklusibong pag-unlad.
Ipinahayag ng lokal na pamahalaan ang kanilang buong suporta sa bagong talagang opisyal, kasabay ng panawagan para sa patuloy na kooperasyon ng iba’t ibang sektor upang maisakatuparan ang mga programang magdudulot ng kaunlaran sa komunidad. (JLT/RSO; RobC)

