Nag-courtesy call si Gng. Maria Dolores P. Soliven, bagong Officer-in-Charge (OIC) ng Land Transportation Office (LTO)–Bayambang District Office, kay Mayor Mary Clare Judith Phyllis Jose- Quiambao, sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, upang pormal na ipakilala ang kanyang sarili at ipahayag ang hangaring makipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Layunin ng pagbisita na higit pang mapalakas ang partnership ng LTO at LGU, partikular na sa pagpapatupad ng mga programa para sa kaligtasan sa kalsada at pagbibigay ng maayos na serbisyo publiko sa mga mamamayan.
Kasama ni Soliven si Reddy Roland Mina, ang Presidente ng Red-Rover Driving School, na nagpanukala rin ng kolaborasyon para sa edukasyon ng mga drayber sa kalsada.
Ang courtesy call ay naganap nitong Setyembre 16, 2025 sa tanggapan ng Municipal Administrator. (Charlaine T. Melendez RGDS/RSO;RGDS)

