Pormal na nagpakilala si FInsp. Joy Carol A. Palchan, ang bagong itinalagang hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Bayambang, sa pamamagitan ng isang courtesy call sa opisina ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ngayong araw, Setyembre 18, 2025.
Sa nasabing pagbisita, ipinaabot ni Palchan ang kanyang pangakong kooperasyon sa pamunuan kasabay ng pagpapalakas ng fire safety sa bayan. (VMF/RSO; Karl Vincent Alvarez)



