Pormal nang nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng 77 barangay ng Bayambang, kabilang ang 38 na mga bagong kapitan, sa ginanap na Oath-Taking Ceremony ngayong araw, November 15, sa Balon Bayambang Events Center. Ang seremonya ay pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice Mayor Ian Camille Sabangan, at ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan.
Kabilang sa mga bagong kapitan si dating Vice-Mayor Raul R. Sabangan, na nanalong kapitan ng Zone VI.
Kasabay nito ay ang pagpaparangal sa 17 Punong Barangay na nakatapos ng tatlong termino sa serbisyo, bilang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa pagiging tapat at mahusay na lider sa kani-kanilang nasasakupang barangay. Sila ay sina dating PB Ferdinand G. Lomibao ng Brgy. Bacnono, PB Ronelio F. Garcia ng Balaybuaya, PB Rufo R. Junio ng Buenlag 1st, PB Ricky P. Penuliar ng Dusoc, PB Romeo A. Andalis ng Idong, PB Luis Castro ng Ligue, PB Leodovico M. Soriano ng Maigpa, PB Richard S. Pulhin ng Malimpec, PB Freddie R. Junio ng Manambong Norte, PB Alain Lacerna ng Manambong Sur, PB Victorino S. Payomo ng Nalsian Norte, PB Onofre P Romano ng Pangdel, PB Marcelo C. Caniezo ng Sancagulis, PB Vicente de Leon ng Sapang, PB Guilermo Gabriel ng Tatarac, PB Frederick F. Lomibao ng Zone IV, PB Manny S. Lopez ng Zone VI.
Kinahapunan naman ay nanumpa rin ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan officials sa parehong venue.
Batay sa nakasaad sa DILG Memorandum Circular No. 2023-166, kinakailangang manumpa muna ang lahat ng bagong elected Barangay at Sangguniang Kabataan officials bago ang aktuwal na pag-upo sa kani-kanilang katungkulan.
***
Dulay, Bagong SK Federation President
Samantala, ang Board of Election Supervisors ng Bayambang ay iprinoklama ang SK Chairperson ng Brgy. Del Pilar na si Cheska Dulay bilang duly elected SK Federation President ng Munisipalidad ng Bayambang. Si Dulay ay uupong bagong miyembro ng Sangguniang Bayan bilang Ex-Officio member.