Bagong Food Park, Dinudumog sa Central School

Isang bagong food bazaar ang dinudumog ngayon sa lumang campus ng Bayambang Central School dahil sa iba’t ibang panindang pagkain at pati na rin mga abubot sa abot-kayang halaga.

Kabilang sa mga alok na paninda ang takoyaki, shawarma, dragonfruit o avocado shake, gyro, Ilocos empanada, Hong Kong-style fried noodles, biryani, at marami pang iba.

Ang proyektong ito ay isa na namang pampadagdag-sigla sa lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga maliliit na mamumuhunan. (RSO; AG)