Upang mas lalong matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga residente, partikular na ang mga bata, kababaihan, senior citizens, at iba pang sektor, pormal na pinasinayaan at binasbasan nitong Agosto 18, 2025, ang bagong gusali ng Early Childhood Care and Development (ECCD) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Brgy. Magsaysay.
Matatandaang ipinatayo ang nasabing pasilidad ni Mayor Niña Jose-Quiambao upang higit na mapalakas ang pagbibigay ng de-kalidad na social services para sa mga mamamayan at matiyak na ang bawat kliyente ay maayos na makatatanggap ng serbisyong may malasakit at respeto.
Ang pagpapasinaya at blessing ceremony ay pinangunahan ni Fr. Marlon Allam ng St. Vincent Ferrer Parish Church, kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Ang proyektong ito ay naging posible dahil sa kontribusyon ng lahat ng nagbabayad ng buwis.
Ang pagbubukas ng bagong gusali ay isa ring patunay ng pagtupad ng administrasyong Quiambao-Sabangan sa mga pangako nitong makapaghatid ng mga makabuluhang serbisyo at maisakatuparan ang mga mahahalagang proyekto para sa lahat ng sektor ng lipunan lalo’t higit sa mga pinaka-nangangailangan. (RGDS/RSO; AG)









