Bagong Commercial Building sa Quezon Blvd., Ininspeksyon ukol sa Pagsunod sa Batas

Ngayong araw, Hunyo 4, 2026, nagsagawa ng inspeksyon ang Joint Inspection Team (JIT) ng LGU at Task Force Disiplina sa itinatayong gusali sa Quezon Boulevard sa Poblacion na dating kinatatayuan ng ilang ilegal na talipapa upang tiyakin ang pagsunod nito sa mga umiiral na batas at ordinansa.

Ang JIT ay binubuo ng Business Permits and Licensing Office, Engineering Office, ESWMO, at RHU Sanitary Inspector.

Patuloy ding minomonitor ng lokal na pamahalaan ang mga negosyo at establisimyento sa bayan upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na operasyon. (BPLO/RSO; BPLO)