Sa bisa ng Executive Order No. 12, series of 2026, pormal na ipinakilala at kinonbina ang mga bagong itinalagang miyembro ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ng Bayambang sa isinagawang pagpupulong noong February 12, 2026, na ginanap sa tanggapan ng Local School Board (LSB).
Sa nasabing pulong, ipinakilala ang bagong Chairperson at mga kasapi ng lupon na bubuo sa PLEB, na inaasahang gaganap ng mahalagang papel sa pagpapatupad ng disiplina at pananagutan sa hanay ng kapulisan sa bayan. Ang bagong komposisyon ng PLEB ay binubuo ng mga sumusunod:
Chairperson: Dr. Nicolas Miguel – Retired Government Physician
Members:
• Former Councilor Rodelito Bautista – OIC, Liga ng mga Barangay President
• Dr. Leticia B. Ursua – Media Affairs Consultant
• Mr. Danilo R. Gozum – Livelihood and Skills Development Consultant
• Mr. Rolando M. Gloria – Local School Board Consultant
• PB Frankie de Vera Catalan – Hermoza Barangay Captain
Ang PLEB ay isang independent at civilian-led body na binuo at inorganisa ni Mayor Niña Jose-Quiambao, at sila ay may kapangyarihang tumanggap, magsiyasat, at magpasya sa mga reklamong inihahain laban sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng mga kasong administratibo at usaping pandisiplina.
Ayon sa RA 6975, itinatag ang PLEB upang matiyak ang pananagutan ng mga pulis at magsilbing tulay sa pagitan ng komunidad at ng law enforcement, isang mahalagang mekanismo sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko at pagsulong ng rule of law sa bayan. (RGDS/RSO; Jolly Saygo)



