Mainit na sinalubong ng LGU-Bayambang ang bagong batch ng mga mag-aaral na sasailalim sa 10-day Work Immersion program mula sa Saint Vincent’s Catholic School of Bayambang Inc. (SVCSBI) at Bilad National High School ngayong araw, Enero 26, 2025.
Kasama sa pagtanggap ang mga kawani ng PESO-Bayambang sa ilalim ng pamumuno ni SLEO Gernalyn J. Santos.
Pinangunahan naman ni Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad ang maikling diskusyon, kung saan ipinaliwanag niya kung ano ang Local Government Unit (LGU) at ang mga pangunahing tungkulin nito sa paglilingkod sa mamamayan.
Layunin ng programang Work Immersion na mabigyan ng kaalaman at aktwal na karanasan ang mga estudyante kung paano magtrabaho sa isang opisina. (Mark Andrei de Luna/RSO; AG, PESO)




