Sa hangaring masiguro ang tamang nutrisyon at kalusugan ng mga batang Bayambangueño, ang Municipal Nutrition Committee sa ilalim ni Mayor Niña ay namahagi ng bagong batch ng mga weighing scales sa lahat ng public elementary schools sa bayan noong Setyembre 26, 2024.
Ito ay bilang parte rin ng pagtupad sa mga proyektong nakapaloob sa Municipal Nutrition Action Plan 2024 na naglalayong makumpleto ang lahat ng weighing materials sa bawat mababang paaralan simula taong 2023.
Magkakaroon din ang naturang kumite ng quarterly monitoring ng mga school nutrition programs simula sa susunod na buwan ng Oktubre.
Inaasahan na ang aksyong ito ng lokal na pamahalaan at ng mga paaralan ay magiging daan upang maayos na mamonitor ang nutrisyon at kalusugan ng mga estudyante at sa huli ay mas mapataas ang kanilang academic performance. (SUG/RSO; MNAO)