Binigyan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ng tulong pinansiyal ang bagong batch ng 1,000 na estudyanteng naka-enroll sa PSU-Bayambang sa taong panuruan 2024-2025.
Ang aktibidad na ito ay pinangangasiwaan ng Local School Board katuwang ang Treasury Office ngayong araw, September 19, 2024, sa Balon Bayambang Events Center.
Ang mga pamantayan sa pagiging kwalipikado sa naturang financial assistance ay masusing dumaan sa validation ng opisina ng Local School Board. (Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni: JMB)