Bagong Batch ng mga Nasalantang Farmers, Tumanggap ng Indemnity Checks mula PCIC

Sa tulong ng Municipal Agriculture Office, ang Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) ay muling nagpamahagi ng indemnity checks para sa mga farmer-claimants na nasalanta ng mga nakaraang pagbagyo at pagbaha, sa pangunguna ni PCIC Regional Manager II Raul A. Servito.

May 295 indemity checks ang naipamigay sa may 289 farmer-claimants, at ang mga ito ay may kabuuang halaga na P2,336,95.10.

Ginanap ang distribusyon ng indemnity checks ngayong araw, Oktubre 30, 2025, sa Balon Bayambang Events Center.

Matatandaang nauna nang nakatanggap ng tseke ang 1,016 farmers sa kabuuang halaga na P11,253,219.57. (RSO; JMB)