Bagong Batch ng LGU Employees, Nag-seminar sa Personality Development

Muling dumalo ang mga kawani ng LGU sa isa na namang seminar na pinamagatang, “Personality Development: Commitment in Public Service Towards Progress and Growth,” na inorganisa ng HRMO sa ika-16 at 17 ng Nobyembre, 2023 sa Balon Bayambang Events Center.

Pambungad na mensahe ni Municipal Administrator, Atty. Rodelyn Rajini Sagarino-Vidad, “We want you to have better communication, build trust, and positive relationship. We want you to be motivated to give your best to your work.”

Ang Odyssey Hub, isang wellnesss firm mula sa Baguio City, ang naging resource person ng seminar sa pangunguna ni John Mark Bagalan. Kanyang binigyang-diin ang pagkakaroon ng better communication upang magkaroon ng magandang relasyon sa ibang tao. Tinalakay rin niya ang kahalagahan ng stress management at nagbigay ng stress management tips upang maging balanse ang iba’t-ibang aspeto ng buhay ng mga kawani ng LGU.

Inaasahan na sa seminar na ito, matututong pag-ibayuhin ng bawat kawani ng LGU ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili, pagtutulungan, komunikasyon, pananagutan, responsibilidad, at pakikisama. Ang propesyunal at personal na paglago ng mga kawani ay inaasahang mauuwi sa paghahatid ng total quality service sa lahat ng Bayambangueño.

 (Angel P. Veloria/RSO)