Ang LGU-Bayambang ay nakatanggap ng isang brand new ambulance, salamat sa inisyatibo ni Mayor Niña Jose-Quiambao at sa tulong ni Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas at ni DOH Region I Director Paula Paz Sydiongco.
Opisyal na naiturnover sa Bayambang Public Order and Safety Office ang naturang ambulansya noong August 16, 2024.
Malaking tulong ito sa mabilis na pagresponde sa mga Bayambangueño sa oras ng medical emergencies. (Angel P. Veloria/RSO; JMB)