Back-up Power Generator Set para sa EOC

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng Public Service Continuity, ang lokal na pamahalaan ay muling bumili ng 15 kVA generator set na may automatic transfer switch upang matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng Emergency Operations Center (EOC) sa pangangalaga ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ang nasabing generator set ay nakalaan upang magsilbing back-up power source ng EOC, lalo na sa panahon ng sakuna at mga emergency kung kailan mahalaga ang walang patid na komunikasyon at koordinasyon.

Nagsagawa rin ang MDRRM responders, katuwang ang Engineering Office, sa paggawa ng powerhouse gamit ang mga surplus/savings na materyales bilang paghahanda sa paglalagyan at instalasyon ng nasabing kagamitan.

Patuloy ang lokal na pamahalaan, katuwang ang MDRRMO, sa pagsisiguro ng maaasahan at tuloy-tuloy na serbisyo publiko sa anumang uri ng sakuna.