BAC Members, Umattend ng Procurement Seminar

Ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee ay aktibong nakikilahok sa isang seminar na pinamagatang “Empowering Local Procurement: Navigating Government Procurement at the Local Level for Municipalities,” mula June 4 hanggang June 7, 2024, sa Government Procurement Policy Board – Technical Support Office (GPPB-TSO) Building, UP Diliman Campus, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang espesyal na pagsasanay na ito para sa mga munisipalidad ay nagbibigay diin sa kritikal na papel ng procurement sa paghahatid ng serbisyo publiko. Sa grassroots level, mahalaga ang epektibong procurement para sa pagbibigay ng mga produkto at serbisyong kailangan ng komunidad.

Nagbigay ng maikling background si GPPB-TSO Executive Director, Atty. Rowena Candice Ruiz, sa bagong Government Procurement Act, na nagtatampok sa potensyal na epekto nito sa pagpapabuti ng mga kasanayan sa procurement.

Pinangunahan naman ni Ms. Maricris Jacinto, Administrative Officer IV mula sa Department of Social Welfare and Development, ang isang sesyon tungkol sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga procurement officials at kahalagahan ng strategic procurement planning.

Pinangunahan ni Atty. Jessie Salvador, isang GPPB-recognized trainer, ang mga sesyon sa Competitive Bidding Procedures at Alternative Modes of Procurement. Nagbigay din ni Atty. Salvador ang mga hands-on workshop tungkol sa pag-master sa mga competitive bidding procedure, kabilang na ang pag-plot ng mga timeline at pagtukoy sa mga angkop na paraan ng procurement.

Ang mga kalahok mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Pilipinas ay aktibong nakibahagi sa mga sesyon.

Ang komprehensibong apat na araw na pagsasanay na ito ay nagsisiguro na ang mga kalahok ay magkakaroon ng malalim na pang-unawa sa RA 9184, ang Government Procurement Reform Act, at matuto ng best practices. Sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa estratehikong pagpaplano sa pagkuha ng pamahalaan, ang pagsasanay ay naglalayong mas mapahusay pa ang mga proseso ng procurement, mas mapabuti ang paghahatid ng serbisyo publiko, at matiyak ang responsableng pamamahala sa kabang yaman ng bayan.