BABALA SA LAHAT

Sunud-sunod kamakailan ang insidente ng sunog sa ating bayan, kaya’t muling nananawagan ang Bureau of Fire Protection sa lahat na mag-doble ingat lalo na’t panahon ngayon ng El Niño o tagtuyot.

Pinapaalalahanan ang lahat na idouble-check ang mga sumusunod:

– linya ng kuryente na sobrang luma na at kailangan nang palitan,

– overloaded na saksakan,

– nakalimutang cell phone o gadget na matagal nang naka-charge,

– batang naglalaro ng apoy,

– nakabukas na kalan o naiwang lutuin sa kusina,

– naiwang nagniningas na kandila,

– sinusunog na basura, kabilang ang mga inipong natuyong dahon at dayami o iba pang farm waste

Inaabisuhan din ang lahat ng residente na may mga kumpol ng natuyong dahon o damuhan na huwag itong hagisan ng cigarette butt o sunugin, lalo na’t ito ay delikadong kumalat sa mga punongkahoy. Labag din ito sa mga batas na Solid Waste Management Act (Republic Act 9003) at Philippine Clean Air Act of 1999. At maaaring magmulta o hulihin ang sinumang lumabag sa mga ito, bukod sa malaking banta, perwisyo, at abala ito sa kapitbahayan at mga otoridad.

Ang mga naturang gawain ang malimit na dahilan ng mga insidente ng sunog kamakailan. Mabuti na lamang at maagap at mabilis sa pagresponde ang BFP at mga concerned LGU departments, kaya’t walang naitatalang casualty sa mga naturang insidente.