Sa ikaapat na araw ng relief operation, muling isinagawa ngayong araw, Agosto 18,2026, ang pamamahagi ng tulong sa mga residenteng apektado ng pagbaha—ang panibagong bugso ng ayuda para sa mga benepisyaryo sa Purok 7, Brgy. Managos, Sitio Lagare ng Brgy. San Gabriel 2nd at Paragos, at Sitio Nalseban ng San Gabriel 2nd at Paragos, gayundin sa mga apektadong residente ng Sitio Leksab, Brgy. Manambong Sur.
Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa pamamagitan ng mga miyembrong departamento at ahensya ng MDRRMC-Bayambang ay nagpapatuloy ang operasyon sa pakikipagtulungan ng mga Barangay DRMMC ng mga apekdadong barangay.
Kabilang sa mga aktibidad ang briefing ng LDRRMO sa MDRRMO Operations Center, pakikipagpulong sa mga barangay officials, pag-inspeksyon at paglilinis ng mga evacuation center na okupado sa ngayon, at aktuwal na distribusyon ng mga relief goods. (RSO; MDRRMO, MSWDO, MNAO, BFP)







