Ausome Parents,’ Nakatanggap ng Tulong Pinansiyal

Ang unang batch ng mga magulang na may anak na may autism spectrum condition ay nakatanggap ng financial assistance na P1,000 kada isa para ipandagdag sa naganap na psychiatric assessment ng kanilang mga anak.

Ang tulong pinansiyal ay hatid ng Mayor’s Action Center at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa pamamagitan ni Mayor Nina Jose-Quiambao at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.

Ang nasabing psychiatric assessment ay inorganisa nina Autism Society of Bayambang (ASB) founder Rafael Carungay at ASB President Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at ng ASB Council noong nakaraang Abril bilang pagdiriwang ng World Autism Awareness at ikalawang anibersaryo ng ASB. (JRA/RSO; PDAO)