Noong July 5, 2026, matagumpay na nag-audition ang mga local dancers na nais maging miyembro ng Varsitarian, isang dance group na sumikat sa Bayambang simula dekada otsenta.
Naroon sa LGU Dance Studio sa 3F MSWDO Bldg., Brgy. Magsaysay ang mga orihinal na founders at members ng grupo kabilang ang presidente na si Donnie de Vera at mga dancer na sina Lyra Pamela Duque, Snooky Odon Cuison, Marla Asuncion, at Arnel Pon Serran. Ang bise-presidente nito na si Maria Fe Sendaydiego Odon at miyembrong si Leizel Odon Maneclang ay nakabase na sa Amerika.
Bukod kina De Vera at Duque, nagsilbing miyembro ng screening committee sina Municipal Administrator, Aty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, dance instructor na si John Jeremy Ong, at ang dating mga Varsitarian dancer na sina Annie Cuison Arenas at Vladimir Bautista.
Ang mga napiling auditionees ay sasailalim sa training upang maging mga bagong miyembro ng Varsitarian Dance Group. (RSO; DDV)







