Nagpakitang-gilas ang mga talentadong magsasaka ng Bayambang sa ginanap na audition para sa Farmers Singing Contest na inorganisa ng Municipal Agriculture Office, ngayong araw, ika-14 ng Marso sa Mayor’s Conference Room.
Nagsilbing judges sa audition sina Atty. Rodelyn Rajini Vidad, Atty. Czarina Cherizze M. de Vera, Valentine G. Dela Cruz, Alvin Solomon, at Gladys Charmaine H. Mariñas.
Inaasahang ang mga napiling kalahok mula sa audition ay magpapakita ng kanilang husay sa grand finals ng Farmers Singing Competition sa darating na March 31 bilang bahagi ng mga inihandang aktibidad para sa pagdiriwang ng Pista’y Baley 2025. (KB/RSO; JMB)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka