Audit Awareness Orientation, Isinagawa para sa mga Opisyal ng LGU

Nagsagawa ang Internal Audit Service (IAS) ng isang Audit Awareness Orientation para sa lahat ng department at unit heads ng LGU noong Hunyo 11, 2026 sa Mayor’s Conference Room, upang linawin ang mga pagkakaiba ng mga tungkulin at responsibilidad ng IAS, Commission on Audit (COA), Municipal Accounting Office, at Internal Quality Audit (IQA).

Tinalakay rin ang ugnayan ng mga ito upang maiwasan ang kalituhan at mapalakas ang koordinasyon sa mga tanggapan.

Sa pamamagitan ng oryentasyong ito, inaasahang mapabubuti ang pagsunod sa mga patakaran, komunikasyon, at pagpapatupad ng mga proseso tungo sa mas mahusay at mas malinaw na pamamahala sa LGU. (MADL/RSO; JMB)