Sa isang makasaysayang gabi ng pagkakaisa at pagbibigay-pugay sa mga barangay officials, bumida sa talumpati ng panauhing pandangal na si Attorney Odilon L. Pasaraba ang Total Quality Service (TQS) na adbokasiya ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Si Attorney Odilon L. Pasaraba ay isang premyadong lingkod-bayan, na nagbigay ng makabuluhang mensahe ukol sa diwa ng komunidad, kulturang identidad, kasaysayan, at mahusay na pamamahala ng Bayambang.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Atty. Pasaraba kung paano naging first-class town ang Bayambang, hindi lamang dahil sa likas na yaman nito kundi dahil sa first-class na pamumuno at paglilingkod ng mga opisyal ng bayan.
“Balon Bayambang means first-class service delivery. At paano magkakaroon ng first-class service delivery? Liderato,” ani Pasaraba, na nag-iiwan ng hamon sa bawat lingkod-barangay na maging ehemplo ng dedikasyon at malasakit sa kanilang nasasakupan.
Pinuri rin niya ang administrasyon ng Balon Bayambang sa pagsusumikap nitong pagyamanin ang kasaysayan ng bayan, panatilihin ang pagkakakilanlang pangkultura, at palakasin ang pag-unlad sa lokal na pamamahala.
Ayon sa kanya, ang pagsasama-sama ng lahat ng mamamayan mula sa pinakamaliit na barangay hanggang sa pamunuan ng bayan ang tunay na susi sa isang matatag at maunlad na komunidad.
Hindi lamang isang pagdiriwang ang Barangay Night 2025 kundi isang pagpapatibay ng diwa ng serbisyo at pagkakaisa. Sa pagsusumikap ng Balon Bayambang na maghatid ng zero poverty by 2028, ang ganitong mga okasyon ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang pag-ibayuhin ang serbisyong maaasahan, nararamdaman, at may resulta.
Sa pagtatapos ng gabi, bitbit ng bawat isa ang panibagong sigla at pananaw, ang Balon Bayambang ay hindi lang isang bayan ng mayamang kasaysayan, ito ay bayan ng mga lider at mamamayang may malasakit at dedikasyon sa first-class na kinabukasan.
Isinulat nina: Princess Mae L. Abalaing, Princess Roleen G. Quijalvo, at Artemus Clyde DG. Dela Cruz
Mga Larawan nina: Zentheo Raguindin, Ronier Ives A. Palisoc at Ace Gloria
Inedit ni: Mr. Frank Brian S. Ferrer
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaaroTaKa