Ang Assessor’s Office ay nagtungo sa Brgy. Bani at Amanperez noong February 20, 2024, sa pagpapatuloy ng kanilang pamamahagi ng Notice of Assessment (NOA) at Real Property Tax Order of Payment (RPTOP).
Ito ay upang patuloy na mapaalalahanan ang mga property owner sa kanilang obligasyon sa pagbabayad ng buwis.
Isang site validation activity naman ang kanilang ginawa sa Brgy.Tatarac noong February 26 para sa proposed RHU 7 Building na nakatakdang maglapit ng serbisyong medikal sa mga residente ng District 4.
Noong February 27 naman ay bumisita rin sila sa Brgy. Malimpec, Tococ East, at Telbang upang magconduct ng appraisal at assessment ng mga water refilling station doon. Kasabay nito ay nagkaroon din sila ng pagkakataong makakuha ng signature ng mga nagmamay-ari ng commercial buildings at machineries.
(ni: Sheina Mae Gravidez/RSO; larawan: Assessor’s Office)