ARTA Requirements ng mga Barangay, Tinalakay sa Pulong

Nagsagawa ng pagpupulong ang LGU katuwang ang Department of the Interior and Local Government sa Bayambang Mayors Conference Room, ngayong araw, ika-30 ng Abril, 2025 upang ipaalam sa mga departamento ang implementasyon ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) Advisory No. 2025-009 na may kinalaman sa “Guidelines on the Submission of Citizens Charter and Other ARTA Requirements by the Barangay LGUs (BLGU).”

Tiniyak sa pulong na maging maagap at tama ang pagsunod ng lahat ng 77 barangay sa mga itinakdang requirements sa pamamagitan ng Local Committee on Anti-Red Tape (LCART).

Ayon sa nasabing advisory, ang lahat ng BLGU ay kinakailangang magsumite ng sumusunod na mga dokumento hanggang Mayo 31, 2025: Barangay Citizens’ Charter at Certificate of Compliance, Barangay Client Satisfaction Measurement Report, at Barangay Initial Reengineering Plan.

Kaugnay nito, tinutukan sa pagpupulong ang mga sumusunod na usapin upang masiguro ang maagap at maayos na pagsunod ng mga barangay: pagtatalaga ng focal person na mangunguna sa koordinasyon at pagsusumite ng mga dokumento; pagtatakda ng timeline para sa pagsusuri ng mga isinumiteng dokumento at pagtugon ng mga BLGU sa mga kakailanganing pagsasaayos; at pagtalakay ng iba pang kaugnay na isyu upang mas mapadali ang compliance process. (KB/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka