ARTA, Nagsagawa ng Monitoring Inspection sa LGU Bayambang

Nagsagawa noong May 25, ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) Northern Luzon Regional Field Office ng on-site monitoring inspection sa Pamahalaang Bayan ng Bayambang bilang bahagi ng patuloy na pagsusuri sa pagpapatupad ng mga reporma sa ilalim ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Layunin ng inspeksyon na masuri ang pagsunod ng LGU sa mga itinakdang pamantayan ng ARTA, kabilang ang pagpapatupad ng Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS), Citizens’ Charter, Harmonized Client Satisfaction Measurement, Public Assistance and Complaints Desk (PACD), at iba pang mga programang naglalayong mapabilis at mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko.

Bahagi rin ng pagbisita ang pagberipika sa mga kasalukuyang sistema at proseso ng LGU upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagsunod sa mga polisiya ng ARTA. (SMGC:JMB)