Apat na 4Ps Beneficiaries, Biniyayaan ng Bagong Bahay Kubo ni Mayor Niña

Apat na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pinagkalooban ni Mayor Niña ng mga bagong bahay kubo matapos sila ay dumaan sa validation activity ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Noong ika-25 ng Marso, 2024, ihinatid ng LGU ang mga kubo kina Loreto Sibayan Gonzales ng Brgy. Darawey, Brenda Verdida R. Henese ng Brgy. Paragos, Jomar Tamondong Zulueta ng Brgy. Banaban, at Gerry Patayan Datuin ng Brgy. Sanlibo.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo kay Mayor Niña at sa LGU-Bayambang sa pagkakaloob ng bagong bahay kubo. Ito anila ay magbibigay ng bagong simula at pag-asa para sa kanilang pamilya.

Lahat ng mga kubo ay nagkakahalaga ng P200,000 mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña.

(ni: Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: RJ Mercado)