Muling pinaigting ng pamahalaang lokal ang pagsawata sa mga colorum na traysikel sa bayan upang ipairal ang disiplina at pagsunod sa batas, at para maging patas na rin sa lahat lalo na’t walang-tigil ang reklamo ng mga rehistrado o may prangkisang traysikel.
Ang mga nahuling traysikel ay naimpound sa Bayambang Municipal Police Station.
Inaasahan ang pagtalima ng lahat sa batas laban sa mga colorum upang iwas-abala sa mga motorista at pasahero. (RSO; PNP)