Sa 1st Quarter Energy Conservation Meeting ngayong araw, Marso 5, 2026, sa Mayor’s Conference Room, nirepaso ni Energy Conservation Focal Person Engr. Rudyfer P Macaranas ang annual consumption ng LGU para sa mga taong 2024, 2025, at 2026.
Inilahad din niya ang mga energy efficiency at conservation initiatives at best practices ng munisipalidad, gayundin ang implementasyon ng Local Energy Efficiency and Conservation Program (LEECP) para sa taong 2026.
Ang naturang pagpupulong ay bahagi ng pagpapatupad ng LEECP alinsunod sa Government Energy Management Program (GEMP), na naglalayong makamit ang hindi bababa sa 10% na pagtitipid sa taunang konsumo ng enerhiya ng pamahalaang lokal. (RSO; AG)





