Inaprubahan na sa isang Committee Hearing ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang ₱711,381,782.69 milyong Municipal Annual Budget ng Bayambang para sa 2026, na binubuo ng General Fund na nagkakahalaga ng P637,691,050.92 at Special Economic Enterprise Fund na nagkakahalaga P73,690,731.77.
Kasabay nito ng pag-apruba rin ng nasabing komite sa ₱1.4 bilyong halaga ng ating Annual Investment Program (AIP).
Ito ay matapos ang SP Committee Hearing ukol sa municipal budget na ginanap sa Provincial Capitol sa Lingayen noong February 16, 2026.
Pinangunahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ilang piling LGU department head, ang pagtalakay at pagsagot sa mga katanungan hinggil sa panukalang pondo na nakatuon sa seguridad, edukasyon, kalusugan, agrikultura, imprastraktura, kalikasan, kabuhayan, at iba pang mahahalagang serbisyo publiko. (RSO; MTICAO)







