Kasabay ng selebrasyon ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, opisyal na ring inilunsad ang Animal Bite Treatment Center sa RHU III noong March 19, 2024. Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ni Dr. Roland M. Agbuya at Mira Joy P. Rebamontan, ABTC Nurse Coordinator ng RHU III. Layunin nito na mailapit ang pagbabakuna ng anti-rabies sa 12 na barangay na nasasakupan ng RHU III gayundin ang mga kalapit na barangay nito. Ang schedule ng ABTC ay tuwing Martes at Biyernes, 8:00 a.m.-4:00 pm.
Ngayon ding Marso ay nag umpisa na ang RHU III na lumibot sa mga barangay para sa taunang Information Education Campaign ukol sa Rabies. May tinatayang 263 participants na ang nabigyan ng mga tamang impormasyon pangmedikal mula sa barangay ng Malioer, Hermoza, Reynado at Inirangan. Ang aktibidad na ito ang magpapatuloy hanggang Abril.
Sa huli, ang pinakamabisang solusyon pa rin para mapuksa ang rabies ay ang pagiging responsableng pet owner.