ANCOP Ville, Binisita; Homeowners Assoc., Nireorganisa

Ang ANCOP Ville ay binisita ng LGU at Kasama Kita sa Barangay Foundation noong May 3, 2024, upang tingnan ang kalagayan ng mga miyembro ng ANCOP Ville Homeowners’ Association.

Kabilang sa mga bumisita upang tignan ang mga maaaring maiambag na tulong sa mga residente ang Municipal Administrator, DSWD/MSWDO, BPRAT, Legal Office, Engineering Office, at mga RHU, kasama rin ang PNP at BPSO.

Sa huli ay nireorganisa ng MSWDO ang ANCOP Ville Homeowners Association upang mapanatiling maayos ang samahan ng mga benepisyaryo ng pabahay at maipagpatuloy ang iba’t ibang livelihood projects sa lugar.

Kabilang sa mga napagkasunduan ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lugar, pagrepaso sa kasunduan (MOA), pagkakaroon ng values formation seminar, at pagbibigay ng medical at health services. (RSO; JMB)