Ambulansya at PTV ng BPSO, Nakatulong sa mga Pasyenteng Inilipat sa mga Ospital sa Labas ng Pangasinan

Patuloy na nagbibigay ng mahalagang tulong ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa mga residente ng bayan sa pamamagitan ng kanilang ambulance at Patient Transport Vehicle (PTV) services, na ginagamit upang maihatid ang mga pasyente na may emergency case o special urgent medical condition sa iba’t ibang ospital sa loob at labas ng lalawigan ng Pangasinan.

Kabilang sa mga ospital na pinagdadalhan ng mga pasyente ang Philippine General Hospital, Quirino Memorial Medical Center, Philippine Heart Center, Baguio General Hospital, at Benguet General Hospital, pati na rin ang iba pang pagamutan na may kakayahang magbigay ng espesyal na gamutan na kinakailangan ng mga pasyente.

Sa pamamagitan ng serbisyong ito, natutulungan ang mga residente ng Bayambang na makapunta sa mga pangunahing pagamutan at nakaktipid sa pamasahe, lalo na sa mga pagkakataong nangangailangan sila ng mas masusing pagsusuri at espesyalistang pangangalaga na hindi agad makukuha sa lokal na ospital. (RSO; BPSO)