Ang Bayambang Public Safety Office ay nagbigay ng isang seminar para sa 20 ambulance drivers ng Munisipyo at iba pang BPSO personnel upang ang mga ito ay matuto ng defensive driving at motor vehicle maintenance at maging malayo sa disgrasya sa gitna ng pagganap sa kanilang tungkulin.
Ang seminar ay ginanap noong Hunyo 7, 2025 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Naging guest speaker si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at nagsilbing lecturer naman sina Mr. Victor Gamotea ng TESDA-accredited St. Peter Velle Technical Training Center,
PMSG Crisalyn De Villa ng PNP Bayambang, at Mr. Benson Resuello at Ms. Jobelle Quinto mula sa LTO Bayambang. (RSO; BPSO)