Mainit na tinanggap ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ni Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, si Mayor Atty. Manuel Collado kasama sina Alcala Vice Mayor Jojo Callejo at Councilor Janela Love Nartates, sa isang courtesy call na naganap nitong Setyembre 9, sa Office of the Municipal Administrator.
Sa naging talakayan, ibinahagi ang mga ideya hinggil sa pagpapalakas ng programang E-Agro sa parehong bayan, pati na rin ang konstruksyon ng gumuhong Carlos P. Romulo Bridge sa Barangay Wawa na may malaking epekto sa transportasyon at kabuhayan ng mga residente.
Napag-usapan din ang road opening at concreting ng San Gabriel II–Pantol Farm-to-Market Road, na inaasahang makatutulong sa mas mabilis na pagdadala ng mga produkto ng mga magsasaka patungo sa pamilihan.
Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, mas lalo pinagtibay ang ugnayan at pagtutulungan ng Bayambang at Alcala bilang magkapit-bayan na may iisang layunin para sa kaunlaran ng kanilang mamamayan. (RGDS/RSO;Karl Vincent Alvarez)




