Pinukaw ng dating aktor at fashion model na si Lito Gruet, na ngayo’y Director ng Battle Against Ignorance Foundation, ang damdamin ng mga kabataan sa kanyang inspirasyunal na testimonya bilang dating drug abuser, sa ginanap na symposium na pinamagatang “Poverty and Drugs” noong ika-20 ng Agosto, 2024 sa Balon Bayambang Events Center.
Ang aktibidad ay nilahukan ng mga Sangguniang Kabataan officials at mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College at Bayambang National High School.
Dito ay tinalakay ni Gruet ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay magmula noong siya ay maging tanyag at kumita ng malaki hanggang siya ay malulong sa droga, dumanas ng matinding paghihirap, mahulog sa mga kamay ng batas, at magbagong buhay.
Enforcement Agency (PDEA) Provincial Director Retchie Camacho kasama si PDEA officer Jericho Jorge C. Inocencio para ipinaliwanag ang mga konsepto ng kahirapan at droga, pati na rin ang kanilang kaugnayan sa isa’t isa.
Kabilang rin sa usapin ay ang maaaring maidudulot sa pagkahilig sa droga bilang isang paraan ng pagtakas sa kahirapan o isang paraan ng paghahanap ng kabuhayan. Sa kabilang banda, ang paggamit anila ng droga ay maaaring magdulot ng kahirapan dahil sa pagkawala ng trabaho, pagkasira ng kalusugan, at iba pang mga negatibong epekto. (VMF/RSO; AG)