Agriculture Office, Nagsagawa ng Election of Officers para sa Municipal Organic Agriculture Council

Ang Municipal Agriculture Office ay nagsagawa ng eleksyon para sa officers ng Municipal Organic Agriculture Council (MOAC) nitong October 16 sa Balon Bayambang Events Center, alinsunod sa Municipal Ordinance No. 16, s. 2021 (“An Ordinance Promoting and Developing Organic Agriculture in the Municipality of Bayambang, Pangasinan”) upang mas mapalakas pa ang implementasyon ng organic farming sa bayan ng Bayambang.

Ang mga farmer president ng bawat farmer association ay nagluklok ng mga opisyal sa naturang konseho.

Ang MOAC ay otomatikong pamumunuan ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang Chairperson.

Nahalal naman bilang Co-chairperson si G. Marlon Malong ng Brgy. Banaban, na Presidente rin ng Gabay sa Bagong Pag-asa Pangasinan Cluster Association Inc.

Ang iba pang mga farmer president ay nahalal sa iba pang posisyon ng MOAC:

Treasurer: Juanita Sumaya

Secretary: Joy Gabriel

PRO: Manuel Chua

Members:

1. Rodolfo Natividad

2. Rogelio Cayabyab

3. Rodillo Bato

Ang pagbuo ng Municipal Organic Agriculture Council at katatapos na election of officials ay nagsisislbing dagdag na hakbang para mapalakas pa ang pagtangkilik sa organikong pamamaraan ng pagsasaka upang mas maprotektahan ang kalikasan at kalusugan habang umaani at kumikita sa produktong agrikultural. (FAV, ME/RSO; AG)