Ang Agriculture Office, selected farmers’ presidents, MENRO, at mga faculty at estudyante ng Bayambang Polytechnic College ay nagbenchmarking sa Los Baños, Laguna noong October 3 hanggang 5, 2024 upang aralin kung paano mas mapapalakas pa ang ating sektor ng agrikultura gamit ang scientific research at makabagong mga pamamaraan ng pagsasaka.
Sila ay nakipagpulong kay UP Los Baños Chancellor Jose V. Camacho, isang Bayambangueño, at bumisita sa iba’t ibang pasilidad at institusyon, kabilang ang International Rice Research Institute, Dairy Training and Research Institute, Institute of Plant Breeding, National Crop Protection Center, Makiling Botanical Garden, at iba pa. (RSO; MLBI)