Agad na naghatid ng tulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa dalawang pamilyang naapektuhan ng sunog sa Sitio Balas, Brgy. Malimpec noong Hunyo 12, 2026.
Nakatanggap ng agarang ayuda sina Bobby Endriga at Ronnel de Vera, na kabilang sa mga residenteng nawalan ng tirahan at mga ari-arian dahil sa insidente ng structural fire sa kanilang lugar.
Matapos maapula ang sunog ng Bureau of Fire Protection, isinagawa naman ng MDRRMO at MSWDO ang mabilis na pagresponde, sa utos ni Mayor Niña Jose-Quiambao, upang matiyak na mabigyan ng kinakailangang suporta ang mga apektadong pamilya habang sila ay nagsisimulang makabangon mula sa pinsalang dulot ng sunog. (RSO; BFP, MDRRMO)






