Acting Chief ng Bayambang Police Station, Pinarangalan ng Gawad Dakilang Lakan ng PNPA

Pinarangalan si PLtCol Rommel P. Bagsic, Acting Chief of Police ng Bayambang Municipal Police Station (MPS), bilang Gawad Dakilang Lakan Awardee sa ginanap na 46th Philippine National Police Academy (PNPA) Grand Alumni Homecoming noong Marso 14, 2026 sa Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang, Cavite.

Nagtipun-tipon sa nasabing okasyon ang mga alumni ng PNPA, na dinaluhan ni Chief, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., upang makiisa sa pagdiriwang at pagkilala sa mga natatanging opisyal ng kapulisan.

Mula sa LGU-Bayambang, ipinapaabot ang taos-pusong pagbati at pagpupugay kay PLtCol Bagsic sa natanggap niyang parangal. (John Paulo Ballesteros/RSO; Mark Andrei de Luna)